What Are The Repleksyon Of Noli Me Tangere 2019 Kabanata 1

WHAT ARE THE REPLEKSYON OF NOLI ME TANGERE 2019 KABANATA 1

Noli Me Tangere

Kabanata 1: Isang Pagtitipon

Repleksyon:

           Sa kabanatang ito ay ipinakita ang labis na paggastos at pagiging maluho. Ang piging na inihanda ni kapitan Tiyago ay sumasalamin sa kung paano gumastos ng pera ang mga mayayaman noong panahon ng kastila. Sa kabila nito, kailangan ni kapitan Tiyago na maging maingat sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ibat ibang panganib gaya ng pang aabuso ng iba, pagnanakaw, at panibugho at inggit para sa labis na kayamanan. Gaya na lamang ng pagmamalabis sa piging na inihanda ni Don Tiyago ng mga taong nag sidalo upang makinabang sa libreng pagkain at pagkakataon na makadaupang palad ang mga mayayaman.

          Bukod dito, kapansin pansin din na hindi maganda ang epekto ng colonial mentality sa mga tao. Hindi dahil mula sa ibang bansa ay may malaking pagkakaiba ito sa likas na pilipino. Umalis man si Crisostomo Ibarra at nakapag - aral sa ibang bansa, hindi nawala sa kanya ang puso at kaisipang pinoy. Siya pa rin ang Crisostomo Ibarra na ipinanganak sa Pilipinas kaya nga minabuti niyang magbalik bayan. Ipinakita niya na hindi maganda ang ugali na pagta takwil sa sariling bayan. Batid niya na hindi kailanman magtatagumpay ang sinuman na hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Tulad ng tinuran ni Dr. Jose Rizal na ang sinuman na hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda. Kapareho ng ang pilipino na hindi marunong magmahal sa kanyang bayang pilipinas ay nakakahiya at walang pagkakaiba sa mga dayuhan.

Read more on

brainly.ph/question/2101001

brainly.ph/question/1331211

brainly.ph/question/2139382


Comments

Popular posts from this blog

Summary Of Republic Act 8293

Why Clouds Are White And Dark?

Bakit Kailangan Sumunod Ang Negosyong Panserbisyo At Produkto Sa Lokal Na Pamahalaan