Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere Kabanata 45
Mga tauhan sa noli me tangere kabanata 45
Noli Me Tangere
Kabanata 45: Ang mga Piang uusig
Mga Tauhan:
Elias - sa kabanatang ito siya ay nakilala bilang kasapi ng mga tulisan. Ang kanyang kaugnayan kay Kapitan Pablo ang siyang magpapatunay na siya ay isa ring tulad nila na naghahangad ng pagbabago sa pamumuno ng mga prayle at makaganti sa lahat ng kanilang mga naging kasawian sampu ng kanilang mga minamahal.
Kapitan Pablo - ang pinuno ng mga tulisan na nakilala ni Elias makaraaang ang binata ay magpalaboy laboy sa kagubatan. Itinuturing siyang ama ni Elias kaya naman nais ng binata na isama na itong mamuhay ng malayo sa mga prayle. Ngunit tumanggi siya at sinabing wal ng dahilan para siya ay magbagong buhay pa sapagkat wala na ang kaniyang pamilya. Nais niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang anak na babae sa kamay ng mga buhong. Noon, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang galit.
Crisostomo Ibarra - isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Sa kabanatang ito siya ay kakatagpuin siya ni Elias upang hilingin sa kanya na mamagitan sa kanila at sa kapitan heneral. Bagay na ipinangako niya kay Kapitan Pablo.
lalaki sa yungib - ang nagdala kay Elias sa kinaroroonan ni kapitan Pablo na kasapi rin ng samahan ng mga tulisan.
Read more on
Comments
Post a Comment