Di Kabutihang Dulot Sa Pilipinas Ng Batas Tyding Mc Duffie
Di kabutihang dulot sa pilipinas ng batas tyding mc duffie
Ang Tydings–McDuffie Act, ay ang Philippine Independence Act na nagkabisa noong Marso 24, 1934. Ito ay isang batas ng Estados Unidos ng Amerika para sa Pilipinas. Bilang kolonya ng Amerika, ang batas na ito ay ngasasabing makalalaya ang Pilipinas pagkatpos ng 10 taon na pagiging kolonya o sakop ng Amerika.
Naging dahilan ito upang magbigay ng buwis o taripa ang Pilipinas para sa mga produktong inaangkat. Nakabawas ito sa magiging kita ng bansa habang lumalaki naman ang pumapasok na kita ng Amerika mula sa mga taripa nito. Siyempre pa, ang pagkakaroon ng mga dayuhang Amerikano para sa pagnenegosyo sa Pilipinas ay nakaakit sa mga maliliit na Pilipinong investor.
Naglimita din ito sa pandarayuhan at pagma-migrate ng mga Pilipino sa Amerika. Noong wala pa ang batas na ito, libre at malayang nakakalabas-pasok ang Pilipino sa paninirahan sa Amerika lalo na sa mga may opurtunidad, hindi na noong naisabatas ito.
Bagaman natapos ng batas na ito ang itinakdang sampung taon, natapos din naman ng Amerika ang pakinabang niya sa Pilipinas sa sampung taong iyon na kasagsagan ng Great Depression. Makikita din sa mga batas na matatag na umiral ay nasa panig ng Amerika kaya naman kahit na natapos ang 10 taon na iyon, may napakalakiing kailangan pa din ang Pilipinas sa Amerika.
Talagang makikita mong ang paggawa ng tao ng batas ay may limitasyon at hindi laging nakakasiguro sa pantay na pakinbang na bawat panig.
Comments
Post a Comment