Ano Ang Aral Sa Sanga Sangang Landas Ng Puso Sa Florante At Laura

Ano ang aral sa sanga sangang landas ng puso sa florante at laura

Maraming aral ang makukuha sa Pag-iibigan ng Florante at Laura. Bakit tinatawag itong sanga-sangang landas ng puso dahil maraming hadlang ang kanilang pag-iibigan. Kahit pa sabihin nating nanaig talaga ang pag-ibig ngunit hindi ito nangyayari sa isang tagpuan lang kundi nakakaranas pa ng napakaraming mga pagsubok bago ito naging tunay pag-ibig.

Ang aral ng pag-iibigan ng Florante at Laura ay makakapagpatibay sa pag-iibigan kung talagang mahal ang isat-isa. Mahalagang ipaglaban ang nararamdaman at hindi mag-iisip na hindi magwagi ang ipinaglaban, ang mahalaga ay kung papaano mananalo sa pag-iibigan. Ang pag-iisip na maging talo ay nagpapakita ito ng mapaimbabaw na pag-ibig, dahil ang tunay na pag-ibig ay kahit ilang dagat at bundok pa ang dadaanan ay ipaglalaban talaga ito.

Walang sinuman ang makakahadlang sa totoong pagmamahal dahil hindi ito susuko kailanman. Pero ang pag-ibig na isa lang lumalaban at ang isa naman ay hindi nagpapatunay ito ng mahina na pag-iibigan. Pero kung totoo naman talaga na mahal mo talaga ang isang tao hindi mo papayagang maagaw ito ng iba. Ang di totoong nagmamahal ay nagpapaubaya lang sa iba dahil ayaw niya ng gulo at di niya kayang ipaglaban ito.

Karagdagang impormasyon ng pag-iibigan:

brainly.ph/question/442182

brainly.ph/question/495674

brainly.ph/question/252029


Comments

Popular posts from this blog

Summary Of Republic Act 8293

Why Clouds Are White And Dark?

Bakit Kailangan Sumunod Ang Negosyong Panserbisyo At Produkto Sa Lokal Na Pamahalaan